ang buhay
March 15th, 2006 by mitzie-pacoyang tagal ko na din hindi nagb-blog…busy kasi sa mga inaasikaso at trabaho…sulat lang ako sandali ngayon bago matulog..
nakakalungkot ang mga pangyayari kamakailan..last week nawala dahil sa aksidente si kuya normand, isa sa mga respetado at pinakamamahal naming brod.da best president din siya at sobra din niyang mahal ang ss…tapos kahapon, si marj, dahil daw sa komplikasyon sa nangyari sa kanya. isa din tong active na sis ko sa cx.sobra din ang dedikasyon niya sa org.nalulungkot ako dahil huli ko na nalaman ung nangyari sa kanya, sana natulungan ko siya dahil naranasan ko din ang nangyari sa kanya, at nakaraos ako doon.
malaking kawalan talaga ang mga taong tulad nila, bata pa ngunit kailangan nang magpaalam.nakakapanghinayang ang mga bagay na maaari pa sana nilang gawin.
naisip ko tuloy ngayon na kailangan kong pahalagahan ang mga tao sa paligid ko, lalo na ung mga malalapit sa akin.Kahit may mga taong kailangang kalimutan dahil hindi nila pinahahalagahan ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanila, meron pa ding mga tao na naiwan na handang magmahal sa akin at may mga taong darating na mamahalin din ako…pero sa ngayon, ang pamilya ko talaga ang pinahahalagahan ko, sila lang ang tunay na nagmamahal at nagpapaligaya sa akin…
pero may namumukod tanging tao na hindi talaga maalis sa isip at puso ko..ang superman ko…kung alam mo lang….
"There are some people who meet that somebody that they can never stop loving, no matter how hard they try. I wouldn’t expect you to understand that, or even believe it, but trust me, there are some loves that don’t go away. And maybe that makes them crazy, but we should all be lucky enough to end up with somebody who has a little of that insanity. Someone who never lets go. Someone who cherishes you forever ."